gusto kong halikan ang iyong mga labi
upang madama mo ang init
ng apoy na lumalagablab
sa kaibuturan ng aking marupok na puso
hagkan ang iyong mga kamay
at yakapin ka ngayon malamig ang gabi
at ang mga tala'y kumikinang
na parang brilyantes sa kalawakan
mahirap bang intindihin
ang pusong nagmamahal
hindi mo ba kayang tanggapin
na tayo'y iisa
hanggang kailan ako malulumbay
kung kailan hindi ko na kayang umibig
ayoko ko na muling magkamali
sana ang bukas ay hindi pa huli
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment