at doon naghintay ako
sa sulok ng aking puso
nagagalak kang makita
sulyap ng mga mata
nangangatog at kinakabahan
hindi alam ang gagawin
nawawala sa isip
epekto ng pag-ibig
pinagpapawisan sa lamig
mga palad kong sabik
mahagkan mga kamay mo
ng kahit man lang saglit
at doon sa dulo ng pasilio
nagliwanag ang mundo
tila anghel sa lupa
lahat ng tao'y nabura
at ikaw lamang ang nakita
nag-iisa
nagniningning
o aking tanging bituin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment