sa bawat pagpikit ng aking mga mata
sanlibong lumbay ang nadarama
agos ng sapa ang tulo ng luha
paglinsan mo'y di ko nakaya
parang kahapon lamang
kamay mo'y aking hawak
haplos nito'y sariwa pa
sa aking mga palad
ang puso ko'y nananabik
sa higpit ng mga yapak
ng dati nating pagibig
na wari'y walang kupas
wala akong nagawa
di ka napigil
maghihintay na lamang
ganun na nga, marahil
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment