hali ka't yakapin mo ako
hayaan mong dampian
ng duming hubad
ang aking katawan
higpitan mo ang iyong hawak
na tila di na makahinga
ang aking pusong lugmok
sa piga ng tadhana
upang ako'y matauhan
na sa isang saglit
mawawala lahat
ang aking alinlangan
ganun pala...
lahat ay umiikot
bumabalik sa simula
'pag and dulo'y naabot
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment